Sunday, February 22, 2015

ang buhay ng musikero

                                                 
                                                         Ang buhay ng Musikero

                        O ayan sa palagay ko natupad ko na and isa sa mga pangarap ko. matagal na panahon narin ang lumipas bago ako makarating sa sitwasyon ko ngayon. hayyyyyyysss ang hirap ang dami kong pinag daanan kapagod eh..pero ayus lang dahil marami akong natutunan. siguro nagtataka kayo. anu bang ang pinagsasasabi ko. well waka naman gusto ko lang ibahagi sa inyo ang kwento ng buhay ko.

                       Ako si Johnny Opulencia ang totoo napaka simpleng tao ko lang talaga. ang gusto ko lang ay maging mahusay na musikero. naalala ko tuloy nung nag aaral pa lang akong mag gitara. nakakatawa man pero alam nyo bang bago ako matuto nun naging utusan ako ng mga taong nagttuturo saken. hehehe wala kase akong pambayad sa kanila eh! kaya yun pinatulan ko na. well hindi naman mahirap ang pinapagawa nila saken. naging taga bili lang naman nila ako ng yosi, alak, at pulutan ng mga nag iinuman. oo tama kayo sa mga nag iinuman lang ako madalas nakakakita ng nagtutugtugan kaya yun ang mga tropa ko puro lasingero.
kapag sawa na sila saka pa lang ako nakakagawak ng gitara. buti nga kahit lasing na sila hindi nila ako nakakalimitang turuan. at syempre naman natutunan ko yun.
                   
                      masipag naman talaga ako eh. kaya siguro madali rin akong umasenso sa pagtugtog at naisipan kong bumuo ng banda.. hinanap ko ang mga tropa kong mahilig ding tumugtog..



No comments:

Post a Comment